May isang samahan akong nakilala
Nagdala ng kasiyahang di inakala
Walang kapantay, walang kawangis
Ibang iba talaga, walang kasing bangis
Dahil sayo kay daming nakilalang tao
Mga taong magtatagal wari ko
Iba iba man ang aming mga pagkatao at ugali
Makasama sila'y kailanma'y di pagkakamali
Mga kaibigan, kapamilya, at kabarkada
Yung mga tipong isasama mo sa Sagada
May mga mas bata at mga mas matatanda
Still we make good music, parang banda
Tanda mo yung mga ate at kuya sa MK
Yes, yung mga walang kasing okay
Sila yung naggabay sa akin nung bago ako
May mga payo na ayos at merong ding mga loko
Tapos nandyan yung mga kabatch, mga kasabayan
Nung una tahimik, then eventually kasama na sa tagayan.
Ang dami kong natutunan sa kanila, di man halata
Sabay sabay kaming lumaki, parang magkakabata
And then dumating na yung mga mas bata sakin
Sa kulit and galing, they are certainly not lacking
I wanted to be an awesome mentor para sa kanila
Eh sa kanila pa ako matututo ng marami pala
Sino sino nga ba sila, maaring tanong nyo yan
Syempre kasama dyan yung mga ser, rekta na yan
Tas included syempre yung sa execomm ay nakasama
And of course yung gatas na batch,closeness ay damang dama
May panahon na ako'y lumayo, tila nawala
Ito ay kailangan, iyon ang aking inakala
Para lumaki at matuto, tama din naman
Pero sa dulo, mahalaga pa rin ang samahan
Kaya ito nagbabalik bago mahuli ang lahat
Sa pagbalik, panibagong ako'y buhat buhat
Pero di naman masyadong nagbago, nagimprove lang baga
Mas magiging mabuting kaibigan at mentor, sa bato iya'y itaga
At ngayo'y may mga panibagong kaibigan muli
They seem to be a great batch, to tell you trully
Nawa'y makilala pa lalo at maging kalapit
Tulad ng mga nauna nang kaibigang mga walang kapalit
Mahigit isa ng dekada na ito'y nasa aking buhay
Dala nila sa akin ay walang humpay na ayahay
Para sa inyong lahat, alay ang tulang ito
Tingnan nga natin kung paano ko kayo mababanggit dito
Ilang years na kitang kilala, ngayon magthithirty ka na
Sobrang daming kaibigan, family ng maituturing pa nga
Di kita makakalimutan, I absolutely have no reason why
Now and forever, aim high fly high, UP Tangway
No comments:
Post a Comment