Monday, July 2, 2012

Rewind - An Ode to You

Bakit mo ito ginawa?

'Cause I was inspired! Really, I'm no songwriter, nor am I a singer. But that shouldn't disallow me from writing a song right? If this is a song, that is.

Oh yeah, no title yet. Hey I just wrote this, and this is crazy, I've still got no title, so help me maybe?

*WEH

Anyway, here it goes. :)



(1) 

Tinangay ako ng iyong ngiti
Sa aki'y isang magandang pagbati
Ang iyong pagtawa ay musika
Sa tuwina'y hinahanap hanap ka

(2)

Di namamalaya'y nahulog sa'yo
Hinihiling na magkasama tayo
Sa mga nalalabing pagkakataon
Sulitin ang isang huling taon

(Refrain)

Ngayong matatapos na ang lahat
Ang kaunting panahaon ba ay sapat?
Upang sabihin sa'yo ng buong tapat 
Ikaw ay aking minamahal at...


(Chorus)

Ikaw ay ang aking pangarap
Ang siyang aking hinihintay
Dumating ng di ko inaasahan
Ako'y maging sayo panghabangbuhay


(3)

Pag gising ika'y nasaking isipan
Naaalala ating mga usapan
Kung panaginip lang ang lahat ng ito
Wag ng matapos mahimbing na tulog ko

(4)

Lubos ang pasasalamat sa taas
Nawa'y hindi pa ito ang wakas
Tinatangi ang bawat segundo
Ika'y aking buong buhay at mundo

(Refrain)
(Chorus)

(Bridge)

Tinamaan sayo, tila ako'y napana
Buong pusong sasabihin sayo na...

(Chorus)

No comments:

Post a Comment