Tuesday, July 24, 2012

Rewind: Isang Huling Taon


(1)
Isang araw na naman ang lumipas

Kay bilis na nagdaan walang iniwan na bakas

Palagi sinasamahan ka at hinahatid pag gabi na
Saya sa bawat pagkikita huwag ng mawala sana

(Refrain)
Lagpas limampung linggo para makasama ka
Kada araw na bago hinahanap-hanap ka

(Chorus)
Idinaraan na lang sa pahatid hatid
Dala mong saya ay walang patid
Susulitin ang bawat pagkakataon
Sa nalalabing...isang huling taon

(2)
Umibig ng di sadya at napamahal ng tunay
Oras sana'y madaya, makasama ka buong buhay

[Refrain]
[Chorus]

Tinamaan sayo, Tinangay ng todo
Tindi ng nadarama, Tinatangi ka..

[Chorus]

No comments:

Post a Comment