Monday, June 25, 2012

From the Vault: 60 2 Do

Bakit sixty? 


Because this is another article I wrote for the college. And 60 because it is the 60th anniversary of our college.


Ang mga superheroes, hindi basta basta nagiging superhero. Dumaraan din sila sa mga pagsubok at pagsasanay! Ang mga iskolar ng bayad, ganun din. Di lang basta basta nagiging iskolar ng bayan. Oras na para maging isang tunay na Isko at Iska! Pero papaano? Basahin ang sumusunod na ilan sa mga bagay para ikaw ay maging isang tunay na isko!

1. Hindi maaring magutom! Kaya mamili ng hot monay with cheese sa askal. Dahil paglipas ng mga taon nila sa UP, malilimutan na nila ang value ng pagkain, higit lalo ang breakfast.
2. Damhin ang kalikasan. Mag nature tripping sa Lagoon.
3.  Automatic na dapat ito, pero manood ka ng Lantern Parade!
4. Saan ka man nanggaling, burgis man or promdi, dapat ikaw ay makakain at makatikim ng isaw!
5. Kung masobrahan man sa pagkain ng monay at isaw, wag kalimutan ang jogging sa acad oval!
6. Pero kung sobrang dilim sa acad oval, isa lamang ibig sabihin nito at iyon ay Pailaw na! Manood ka nito!
7. Hindi ka din makakapag jogging kung sobrang daming tao at mid-February na, dahil ibig sabihin noon ay UP FAIR na!!!1!!?!,!!. Halata bang big thing ito?
8. Kaso pag fair, mahirap sumakay ng jeep pauwi, so dapat mapatunayan mo na walking distance lang ang anumang point sa UP, kaya maglakad mula Math Building hanggang gym!
9. Ngunit tandaan, ayaw nating maging forever alone, kaya’t sumali ka sa org! Acad org man yan, or frat/soro, or provincial org, or hobby org. Kung di naman yan ang trip mo, just make sure na merong kang mga astiging friends.
10. At pag meron ka ng sariling Justice League mo, halika na at tumambay sa Sunken Garden!
11. Syempre, nakagugutom tumambay, kaya after tumambay, mag food trip. First up, Kumain sa Roddics!
12. Pero hindi lamang tayo puro tambay at kain dito sa unibersidad na minamahal. Para pampalakas ng school spirit, panoorin ang UP Pep squad, sa UAAP CDC kung kaya.
13. At kung tatak UP na lang ang usapan, sumakay ng isang buong ride ng ikot at toki. Dagdag na challenge, patagalan ng nakasakay sa ikot o toki ng isang beses lang nagbabayad.
14. Kailangan din natin ng pag unlad, di lamang sa loob ng silid aralan. Isa sa mga magandang paraan para dito? Manood ng mga theatrical play!
15. Kung ayaw mo naman lumabas sa apat na sulok ng silid aralan, okay lang yan. Umattend ka na lamang ng ACLE.
16. Kapag ka nasa UP, dapat, praktikal at madiskarte, kaya manguha ng freebies!
17. At kung praktikal at sulit na food trip ang usapan, food trip na sa KNL!
18. Speaking of food trip, kung sawa na sa KNL, kaunting kembot lang at kumain na sa mga kainan along Maginhawa!
19. Kung may extra money ka naman, why don’t you know, like try eating along Katipunan?
20. Ngunit kung tinatamad namang lumabas ng campus, aba, marami naman within peyups!  Sa Lutong Bahay, sa SC, sa mga food carts!
21. Habang nasa loob ka pa ng campus, bakit hindi mo bisitahin si Oble? Yung totoo ah, at hindi siya yung nasa harap ng Quezon Hall (alam mo ba yung Quezon Hall?) Nasaan si Totoong Oble? Abangan..mamaya!
22. OR, kung di ka naman makapaghintay na, puntahan at pasukin LAHAT ng buildings sa UP!
23. Pero tandaan, WALANG building na TBA ang pangalan! Therefore, dapat maexperience mo din ang mabiktima and/or mangbiktima ng TBA!
24. At isa sa mga buildings na ito ay ang Vargas Museum. Sulit na sulit ang pagbisita dito. (Side quest, may cafe sa tabi nito, baka gusto mo ding mag food trip dun? :D)
25. Umalis naman tayo sa UP, kaya kahit man lang isang beses ay sumama ka sa isang field trip ng inyong klase!
26. Pag uwi mo galing sa field trip, pagod ka syempre. Magandang pamparelax? Makinig sa UP Carilion.
27. Para kumpleto na ang pagrerelax, bumili ng dinner sa may Area 2 at kainin ito sa may track oval.
28. Doon ulit tayo sa school spirit. Para kumpleto na, bumili ka ng mga UP shirt, lanyard, jacket, bag, or ano pa man!
29. At habang suot suot ang UP shirt mo na bagong bili, umattend ka na din ng mga seminar at forum. Boring pakinggan, pero sulit yan.  
30. Or kung gusto mo naman ng maaksyon, manood ka ng laro ng UP Fighting Maroons, mapa basketball man or ano mang sports.
31. Balik tayo sa acads. Ang masasabi ko lang, hindi kumpleto ang UP experience mo kung hindi ka  pumila para sa enlistment ng subject!
32. Para di ka naman magutom habang nakapila, kumain ka ng fishball at pancit canton!
33. Palakihin pa ang iyong social circle sa pamamagitan ng pag attend sa mga dorm activites like Open houses!
34. At kasama ang iyong mga bagong dormer friends, manood ng mga sobrang mura, or minsan ay libre pa nga na movies sa film center.
35. Dapat din lagi kang updated, kaya magbasa ng mga official publications ng peyups.
36. Matapos basahin, may tatlo kang pwedeng gawin. Itabi ang mga ito, i-recycle, o kaya’y gamitin ang mga ito para mag iwan ng giant message sa sunken garden.
37.  Kung ibang giant naman ang gusto nyong makita, tulad ng mga planeta at bituwin, mag observe sa observatory given the chance.
38. Sabihin natin na gusto mo namang tumambay, sa FC ng lang para makapanood ng mga nagrerehearse.
39. Pwede ka ding mag library. Double purpose na, masarap ng mag-aral dito, masarap pang tumambay at matulog.
40. Pero kung ayaw mong tumambay at ang tipo mo ay maglibot, pwede mag explore ng mga iba't ibang grafiti and vadalism sa mga pader at desks.
41. At kung sa iyong paglilibot ay nakita mo si Oble, magpapicture ka sa kanya.
42. On second thought, wag gagawin ang number 41. May curse daw kasi. Ang gawin mo na lang, alamin ang mga curse stories sa UP.
43. At dahil nabanggit na si oble, wag kalilimutang manood ng Oblation Run!
44. Kung mapapasigaw ka at mapapamura sa makikita sa Oblation Run, isave mo na lamang ang lahat ng ito para sa iyong pagsusumpa kay CRS. Madalas dalas mong gagawin yan.
45. Ang isa pang madalas na mangyayari ay makita si Zoro. Kaya meet and greet Zoro!
46. Madalas din ang mga rally at walk out, makiisa, makisama! (Pero yun lamang ay kung umaayon ka sa kanila at naiintindihan mo talaga ang gagawin mo).
47. Isa pang bagay na dapat ay naiintindihan mo bago pumasok ay ang magka lovelife. Parte ng buhay yan, kaya wag na tayo mahiya at tayo ay palaging...
48. maging open mided. Hindi mo lubus lubusang ma e enjoy ang mga nakalista dito, at ang buong UP experience kung hindi ka open minded.
49. Dahil malapit na ang rainy season, isa sa mga must do ay ang maghintay hanggang lagpas hating gabi para sa announcement na walang pasok. Lahat ng ibang schools, wala ng pasok, tayo, kahit announcement wala pa.
50. Kaya papasok ka kinabukasan, pero nagdadasal ka pa rin na sana masuspend ang class. Masususpend ito pag wala ka ng natitirang class at wala ng ulan. Nakakastress ba?
51. Kung stressed ka na, mag declare ng self declared holiday. Ayusin lang ang timing.
52. Pwede ding pang alis stress ang paglalaro ng bilyar at duckpin sa alumni center.
53. Matapos mawala ang iyong stress, i share ang good vibes at maglakad lakad sa campus at mag hi sa mga tao.
54.  Dahil malakas na ang loob mo, mag sit in sa isang class na hindi mo naman talaga class
55. Itodo na din ang confidence at lakas ng loob at pumasok na naka pambahay na attire
56. Pag may nagtanong sayo, sabihin mo gumagawa ka lang ng music video. Speaking of which, maghanap ng music video na nag shoot sa campus at hanapin kung saan ito sa campus.
57. Pero dahil nga nasa UP tayo para mag aral, mag aim ka na maka uno kahit minsan, kahit pe or cwts lang.
58. Subukan din ang maglakad along the university avenue, mas okay din kung may mga sunflower na.
59. At kung may sunflower na, kahit walang connect, kabisaduhin ang UP Naming Mahal. Kailangan mo kasi yang kantahin sa graduation mo, whic means na ang huling must do sa UP ay..
60. Grumaduate!

No comments:

Post a Comment